MANILA, Philippines - Nasa 219 katao ang nahuli ng mga otoridad sa liquior ban habang nasa 622 sa gun ban kaugnay ng pagdaraos ng barangay elections kahapon.
Ang liquior ban ay inimplementa kamakalawa hanggang nitong Lunes dakong alas-7:00 ng umaga.
Pinakamaraming nahuli sa liquior ban ay sa Metro Manila na nasa 57 katao; pangalawa ang Region XI (Davao–Compostella) na nasa 51 naaresto; 28 sa Central Luzon, lima sa Region IV-B at isa sa Region 1.
Sa paglabag sa gun ban umpisa noong Setyembre 28 hanggang nitong Lunes dakong alas-12:39 ng tanghali ay nasa 613 katao na ang naaresto kung saan ay pinakamarami ang mga sibilyan sa bilang na 571.
Kabilang pa sa mga naaresto ay pitong pulis, 21 security guards, anim na opisyal ng gobyerno, lima sa AFP at tatlong CAFGU.