MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ng pamunuan ng Commission on Election ang mga “last minute reminders†para sa mahigit 55 milyon registered voters na inaasahang lalahok sa gaganaping nationwide barangay elections ngayon araw na ito.
Sinabi ni COMELEC spokesperson James Arthur Jimenez, pinapayuhan ang mga kababayan na magdala ng ‘valid ID’ sakaling hanapan sila ng mga elections officers.
Pinaalalahanan din nito ang mga botante na kailaÂngang malinaw ang pagkakasulat ng pangalan ng mga napiling kandidato sa balota para mabasa at mabilang ang kanilang boto.
Mayroon na aniyang nakalaang marking pen sa mga polling precincts kung kaya’t hindi na rin kailangang magdala ng lapis o ballpen.
Giit pa ni Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng pictures sa mga “filled-up ballots†at ang pagsusuot ng mga “campaign t-shirts†sa loob ng polling areas.
Ayon pa kay Jimenez, tapos na ang campaign period ng mga kandidato kung kaya’t maaÂring maharap sa disqualification case ang sino mang mapapatunayang naÂngangampanya ngayong araw ng halalan.