Mister na nakasaksi ng krimen, nagbigti

MANILA, Philippines - Ang pagkakaroon ng phobia ng isang mister matapos na makasaksi ng isang krimen ang umano’y dahilan nang pagbibigti nito kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na nadiskubreng nakabigti dakong alas-9:00 ng umaga ay na­kilalang si Norberto Brez, 45, ng Gate B-2, Bahay Kalinga, Baseco Compound, Port Area, May­nila.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Jocelyn Brez, mula umano nang makasaksi ng krimen ang kanyang mister ay nagkaroon ito ng phobia, walang kibo at minsan ay tulala.

Idinagdag pa ni Jo­ce­lyn na posibleng ang mga hinaing umano ng mister na may madalas na bumubulong sa kaniya.

Bago ang insidente ay inutusan pa ng bikti­ma ang misis na mag­luto ng almusal at nang makatapos magluto ay tinawag nito ang bik­tima, subalit wala nang sumasagot hanggang sa pasukin na ang loob ng
bahay ay nakitang naka­bigti na ito.

 

Show comments