^

Police Metro

Death toll sa ITCZ: 21 na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasa 21 katao na ang nasasawi na karamihan ay nalunod  bunsod ng malawakang flashflood sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa Region VI,VII, IX at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario na kabilang sa talaan ng mga nasawi ay dalawang nalunod sa Antique; 8 sa Negros Oriental, anim sa Region  9 o Zamboanga City na sinalanta ng grabeng pagbaha o kabuuang 16 kataong death toll.

 Sa Zamboanga City, pinakabagong nadagdag sa talaan ng mga namatay ay sina Christine Dongallo Bacan, 38 ng Brgy. Putik at Mariluna Andawa, 8, mula naman sa Zone 8 Ayala.

Sa Lamitan City, Basilan ay nakapagtala naman ng karagdagang apat kataong nasawi sa pagkalunod na kinilalang sina Helen Ignacio, Tessie Samson, Flordeliz Sebastian at Judyane Sebastian at ang pang-21 biktima ay nakilala namang si Cesar Martin ng Brgy. Sedem, Datu Blah, Sultan Kudarat  na nalunod habang nawawala naman si Kinimi Omar ng naturan ring barangay.

AUTONOMOUS REGION

BRGY

CESAR MARTIN

CHRISTINE DONGALLO BACAN

DATU BLAH

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

FLORDELIZ SEBASTIAN

HELEN IGNACIO

INTER TROPICAL CONVERGENCE ZONE

JUDYANE SEBASTIAN

KINIMI OMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with