Mag-utol na sanggol, sinaksak ng ina

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan sa ospital ang isang magkapatid na sanggol nang sila ay pagsasaksakin ng naburyong nilang ina matapos makaaway ang ka-live-in nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite. 

Ang magkapatid ay  nakilalang sina Bea Delusa Ancan, 2 buwang gulang na nagtamo ng 5 saksak sa dibdib at Sophia Delusa Ancan, 1 taong gulang na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan. 

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay nagkaroon na mainitang pagtatalo ang ina ng mga bata na si Andromeda Ancan, 24-anyos walang trabaho, residente ng nasabing barangay at ang kinakasama nito na si Vencito Delusa.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay bigla na lamang naburyong si Andromeda at kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang kanyang mga sanggol na nakahiga ng mga oras na iyon.

Matapos na saksakin ang kanyang dalawang sanggol ay nagsaksak din ito sa sarili.

Dinala sa pinakama­lapit na ospital ang mag-iina at ilang minuto ma­tapos na mabigyan ng pa­unang lunas ay inilipat ang dalawang sanggol sa Philippine Ge­neral Hospital dahil sa sensitibong kalagayan.

Pagkalabas ng ina sa ospital ay idineretso na ito sa kulungan at kinasuhan ng kriminal.

 

Show comments