MANILA, Philippines - Binigyan diin kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na mayroon na umano silang lead kung saan nagkukuta si MNLF Chairman Nur Misuari at 64 nitong kasamahan na anumang oras ay kanila na itong madarakip sa kasong rebelyon at paglabag sa International HumanitaÂrian Law.
Sinabi ni De Lima na naantala lamang ang inilabas na warrant of arrest ng Zamboanga City Regional Trial Court (RTC) laban kay Misuari at iba pa dahil sa nangyaring pagbaha sa lungsod.
Nabatid na hawak umano ng panel of proseÂcutor ang matibay na ebiÂdensya laban sa mga lider ng rebelde na nanguna sa paglusob kamakailan sa lungsod na kung saan ay nasa 300 na ang nadarakip at nakasuhan.