P-Noy, Alcala, Abad at Napoles kinasuhan ng plunder
MANILA, Philippines -Nagsampa ng kasong plunder sa Ombudsman ang grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas laban kina Pangulong Noynoy Aquino, Budget Secretary Butch Abad, Agriculture Secretary Proceso Alcala, Janet Lim Napoles, kapatid na si Reynald Lim at limang iba pa kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam.
Nakasaad sa 11-pahinang reklamo ng KMP na papanagutin ang mga nasabing indibidwal hinggil sa umanoy maanoÂmalyang paggamit ng halos P500,000 milyon pondo ng pamahalaan na ipinadaan sa Department of Agriculture (DA).
Ayon sa grupo na walang pondong nakarating sa mga magsasaka mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Malampaya fund.
“Ang mga magsasaka ang ginagamit na recipient nila na kuno ay tinutulungan, pero wala namang nakakarating sa amin,†pahayag ng mga complainant.
Kabilang sa mga ebiÂdensya ay mga dokumento ng mga transaksyon sa gobyerno na nagpapakita ng proseso sa paglabas ng pondo.
Aminado naman si KMP Chairman Rafael Mariano na maaaring hindi agad mapanagot si Pangulong Aquino sa kasong ito dahil sa immunity ng Chief exeÂcutive.
Gayunman, hinamon ni Mariano si Aquino na i-waive ang immunity para harapin ang naturang kaso.
Samantala, sinopla naman nina 1 Banat and Ahapo Partylist Rep. Silvestre Bello at Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na kapwa abogado si Pangulong Aquino sa umanoy palusot nito na hindi suhol ang ipinamudmod na pork barrel sa mga mambabatas mula sa Disbursement Acceleration Fund (DAP).
Ayon kay Bello na dating Justice secretary na maaari din ginawa ang alok sa dagdag na pork barrel bago magtagumÂpay ang impeachment kay Corona at delivery ng alok ay ginawa pagkatapos na ng impeachment.
Pinagsabihan ni Ridon ang Pangulo na huwag magtago sa teknikalidad ng mga terminong legal dahil kahit anong lusot ang gawin nito at hindi maitatago na ang DAP ay nagamit sa pinakamasamang uri ng political bribery.
- Latest