Junk foods ipagbabawal sa mga iskul
MANILA, Philippines -Naghain ng ordinansa sina 1st District Councilor Rovin Feliciano at Sangguniang Kabataan President Councilor Cris Feliciano na nagbabawal sa pagtitinda at pagkain ng junk foods sa mga eskwelahan sa Valenzuela City.
Ang hakbang ay base sa isinagawang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), na ang National Capital Region (NCR) ang may piÂnaÂkamataas na bilang ng mga kabataang nasa pagitan ng 10 hanggang 19-anyos ang may probleÂma sa kalusuÂgan.
Napag-alaman na mas madaling makabili ng junk foods sa mga paaralan sa Metro Manila kung kaÂya’t mas marami sa mga esÂtudÂyante dito ay malnuÂtrition.
Nakasaad sa ordinansa, gagawa rin ang mga ito ng listahan ng mga masusustansiyang pagkain na siya namang irerekomendang dapat na kainin ng mga mag-aaral, na ipapaskil sa loob at labas ng mga eskwelahan.
- Latest