Mister inaway ng misis, nagpakamatay

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagsaksak sa sarili ang isang mister dahil sa sobrang sama ng loob matapos na sila ay mag-away ng kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima na idi­nek­­larang dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital dahil sa saksak sa dibdib ay nakilalang si Jonard Laurel, 35, factory worker, ng  Vizcarra St., Malibay.

Bago naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa loob ng bahay ay nagkaroon muna ng away ang biktima at ang misis na si Rehilda, 34 sa hindi binanggit na kadahilanan.

Matapos ang matin­ding away ay kumuha ng patalim ang biktima at sinaksak nito ang kanyang  sarili.

 

Show comments