^

Police Metro

Chinese illegal workers sa Ph, iniimbestigahan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsimula ng magsagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) sa umano’y libu-libong Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho bilang construction wor­kers sa Batangas at Bataan. Nangako si Immigration Officer-in-charge Siegfred Mison na sisiyasatin niya ang alegasyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na may mga Tsino na nagtatrabaho ng walang kau­kulang work permits at visas.

Inamin ni Mison na naalarma siya sa ulat ng TUCP na aniya’y isang ser­yosong usapin na nanganga­ilangan ng agarang tugon.

Sang-ayon din ang opisyal sa giit ng TUCP na ang pag-empleyo ng mga banyaga ay pag-agaw sa opurtunidad ng mga Pilipino na makapag-trabaho at iyon ay banta rin sa job security sa bansa.

Giit ni Mison, iligal sa mga dayuhan ang magtrabaho sa bansa ng walang Alien Employment Permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at employment visa mula sa BI.

 

vuukle comment

ALIEN EMPLOYMENT PERMIT

BATANGAS

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GIIT

IMMIGRATION OFFICER

INAMIN

MISON

SIEGFRED MISON

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with