Naarestong suspek idinetalye ang pagpatay... Kae nagmakaawa sa kanyang buhay
MANILA, Philippines - Naghihingalo pa umano si KrisÂtelle “Kae†DaÂvantes, 25, advertiÂsing exeÂcutive nang ito ay pagsasaksakin ng isa sa anim na suspek kahit sinakal at may busal habang nakatali ng seat belt.
Ito ang pag-amin ng naarestong suspek na si Samuel Decimo, 19, sa mga mamamahayag nang ito ay iprinisinta ng NatioÂnal Bureau of Investigation (NBI) maÂtapos na maÂaÂresto kamaÂkalawa ng gabi sa Molino, Bacoor, CaÂvite.
Ayon kay Decimo na siya ang inatasan ng grupo na saksakin si Kae nang gumalaw ito habang itatapon nila sa tulay sa Barangay Sabutan, Silang, Cavite.
Inihayag din ni DeciÂmo na nagmamakaawa si Kae, pero hindi nila ito pinakinggan ng kanyang mga kasama.
Dahil sa sobrang kaba at hindi sanay pumatay ay hindi niya naalala kung ilang ulit niya itong sinaksak sa leeg nang nagdesisyon ang kanyang mga kasama na tuluyan na itong patayin matapos na makita ang kanilang mukha at ang plaka ng kanilang sasakyan.
Ayon kay Decimo na ang motibo lamang ng kaÂnilang grupo na holdapin si Kae nang makita nila itong mag-isa na nagmamaneho ng Toyota Altis, kaya sinundan nila ito, noong Setyembre 6 ng gabi.
Idinagdag pa ni Decimo, kinomander nila ang sasakyan ni Kae kaya nang pumasok ito sa Moonwalk Village ay muli ding lumabas na kasunod ang sasakyan ng mga suspek, na tugma naman sa nakita ng Task Force Kae Davantes sa security camera fooÂtaÂge, kung saan isang sasakyan ang sinusundan ng isa pang kotse na pumasok sa Moonwalk Village, at sa pagitan ng ala-1:41 hanggang ala-1:51 ng madaling-araw ng Sabado (Set. 7).
Lima sa mga kasamahan ang sumakay sa kotse ni Davantes habang sinusundan naman niya dala ang kanilang get-away car hanggang sa umabot sila sa Silang, CaÂvite.
Sa kasalukuyan, ang ebidensiyang hawak ng NBI ay ang dalawang hibla ng buhok na natagpuan sa kotse ng biktima at dugo sa seatbelt mula sa isang lalaki.
Patuloy ang operasÂyon ng mga NBI laban sa 5 pang suspek na nasa 19-anyos paÂtaas at bantay sarado rin ng mga pulis ang bahay ng isa sa mga hinihinalang suspek na pinagdalhan ng sasakyan ni Kae na matatagpuan sa 37 EmeÂrald St. Pamplona 3, Las Piñas City.
Ayon sa NBI, may daÂlawang tipster ang nagpaÂhayag sa kinalaman ni Decimo sa krimen dahil hindi na umano mapigilan ang konsensiya sa tuwing nakikita sa mga balita ang mukha ng biktima.
Umaasa naman ang pamilya ni Kae na mabiÂbigyan na ng katarungan sa ginawang karudumal-dumal na pagpatay dito.
Bagama’t anya ay siÂnabi ni Decimo na holdap lamang ang motibo, naniÂniwala ang pamilya na may mas malalim pang motibo ang pagpatay kay Kae at umaasa ang paÂmilya na hindi fall guy ang naarestong suspek.
Magugunita na umabot sa P2.5 milyon ang reward sa sinumang makakapagturo para sa ikakaaresto ng mga suspek.
- Latest