^

Police Metro

15 Chinese naaresto sa illegal na pagawaan ng sigarilyo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 Chinese na illegal na nagtatrabaho sa mala­king pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan City.

Nabatid na sinalakay ng mga Bureau of Internal Revenue (BIR) kasama ang NBI ang malaking pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan dahil sa hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang natu­rang pabrika ay illegal na gumagawa ng mga sigarilyo na matatagpuan sa Cabanatuan City at nasa P636,935,703.54 ng unpaid taxes at penalties ang ‘di binabayaran.

Pagdating sa lugar ay natuklasan na ang operasyon ng pabrika ay nasa ground floor ng isang rest house at mayroong truck containers na ginagamit bilang storage facilities para pagtaguan ng mga kontrabando.

Nakita rin ang isang bunker at isang firing range bukod sa mga illicit cigarettes, machines, fake tax stamps, raw tobacco at ibang materyales na ginagamit sa pag manufacture ng sigarilyo na kung saan ay nakita ang 15 Chinese.

vuukle comment

CIGARETTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with