Tanod nilikida

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay tanod habang ito ay nakatayo sa harap ng kanilang tahanan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bo­nifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Ruel  Gaa  Sr., 47, tanod sa Barangay 650, Zone 68, District 5 at residente ng 12th St. Port Area, Maynila, dahil sa 5 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang biktima ay sinasabing kapatid ni SPO4 Emerson Gaa, miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) Batch ‘91 at  nakatalaga sa  MPD.

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima sa tapat ng kanilang bahay.

Ayon kay Ruel Jr. nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at paglabas niya ng bahay ay nakita nito ang kanyang ama na nakahandusay kaya mabilis na isinugod sa pagamutan pero nala­gutan din ng hininga.

Marami umanong na­sisita ang biktima sa kanilang lugar dahil sa talamak na bentahan ng droga na siyang sinisilip ngayon motibo ng krimen. 

 

Show comments