MANILA, Philippines -Nasawi ang walong miyembro ng Moro National LiÂberation Front (MNLF) breakaway group ni Nur Misuari matapos na maÂkipagpalitan ng putok sa tropa ng militar sa Zamboanga City.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, isang bangkay ng MNLF ang narekober sa likod ng Zamboanga Medical Center kamakalawa habang ang pito ay napaslang sa palitan ng putok ng tropa ng Special Operations Group (SOG) ng Philippine Navy sa kaÂragatan ng Rio Hondo dakong ala-1:45 ng madaling-araw.
Sa nasabing engkuwentro ay napatay ang isang tauhan ng SOG ng Philippine Navy na sumagupa sa nasa 60 armadong MNLF na lumusob sa Rio Hondo.
Nabatid na tumilaÂpon umano sa dagat ang bangkay ng pitong MNLF at nabigo ang tropang gobyerno na marekober ang mga ito.
Bukod sa napatay na tauhan ng Philippine Navy ay isa ring tauhan ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) at apat na sibilyan ang namatay habang nasa 24 pa ang nasugatan na karamihan ay mga sibilyan.
Sa ikatlong araw ng standoff ay patuloy ang manakanakang putukan sa pagitan ng security forces at ng MNLF rebels na tuÂmanggi pa ring lisanin ang lungsod.
Samanatala, dapat anÂyang sumuko muna ang mga tauhan ni Misuari bago i-pullout ng AFP ang mga tangke at ang tropa ng mga sundalo sa ilan pang mga barangay na inookupa at ginagawang hostages ang mga residente.
Nanindigan si Zagala na malinaw ang direktiba ng AFP headquarters na hindi magpu-pullout ang security forces upang mapangalagaan ang seguridad ng mamamayan ng lungsod at maging ang mga pangunahing instalasyon ng gobyerno dito.
Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ay inookupa pa ring ng nasa 180 pang MNLF rogue elements ang Brgy. Talon-Talon, Sta Catalina, Sta. Barbara at Kasangyaan.