MANILA, Philippines - Handa na ang inilaÂtag na ‘zero remittance protest’ ng libu-libong Overseas Filipino WorÂkers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo sa daraÂting na Setyembre 19.
Sinabi ng Migrante International tinatayang 10,000 hanggang 50,000 OFWs ang makikiisa sa kanilang gagawing pagkilos na may temang “Zero Remittance Day for Zero Pork†bilang pagkondena sa nabunyag na paglustay ng kaban ng bayan at hihilingin na tuluyan nang alisin ang Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel na nagiging sanhi ng korupsyon sa bansa.
Nanawagan ang MigÂrante sa kanilang mga member organization o kaalyadong grupo sa buong mundo na makiisa sa nasabing ‘zero remittance protest’ laban sa mga mambabatas na inaakusaÂhang nambulsa ng kanilang pork barrel at ibang mga kasabwat kasunod ng pagÂlutang ng mga whislebloÂwers laban sa negosyanteng si Janet-Lim Napoles na umanong mastermind sa pork barrel scam.
Maliban sa pag-aboÂlish sa PDAF ng mga mamÂbabatas, nais din ng mga OFWs na maging ang pork barrel ni Pangulong Benigno Aquino III ay alisin na rin at maimbestiÂgahan, makasuhan at maÂparusahan ang mga mamÂbabatas at indibiduÂwal na ilegal na nakinabang sa nasabing pondo.
Ang protesta ng mga OFWs kontra PDAF ay itinakda sa Sept. 19 dahil kasabay ito ng anibersarÂyo ng Overseas Workers Welfare Assistance Omnibus Policies kung saan nakapaloob sa polisya na kailangan magbigay ng $25 kontribusyon ang mga OFWs bago magtrabaho sa ibang bansa.