^

Police Metro

Radio commentator itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang  isang radio commentator matapos na tadtarin ng dalawang armadong kalalakihan sa Brgy. Buru-un, Iligan City, Lanao del Norte nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Iligan City Police, ang biktimang si Fernando “Nanding” Solijon, anchor ng Public Affairs Program na “Sandiganan” ng DXLS Love Radio FM sa lungsod ay bigla na lamang pinaulanan ng 13-bala ng baril ng dalawang di kilalang suspect na sakay ng motorsiko.

Ang biktima ay supporter  umano ni Iligan City Rep. Vicente “Varf” Belmonte at kilalang bu­mabatikos sa mga tiwaling pulitiko. Unang ibinulgar umano ni Solijon ang  illegal na operasyon ng droga ng isang barangay chairman sa lungsod.

Batay sa report ng pulisya, unang nagtungo ang biktima sa bahay ng  kaibigan nito at dito naghapunan at nakipag-inuman. Ngunit bandang alas-10:30 ng gabi nang papauwi na ito at papatawid ng kalsada para puntahan ang nakaparadang sasakyan sa Brgy. Buruun ng nasabing lungsod ay bigla na lang sumulpot ang mga suspect at pinagbabaril ang biktima.

Sinabi pa ng pulisya na maraming beses ng nakakatangggap ng death threat ang biktima bago pa man sumapit ang campaign period ng katatapos na May 2013 midterm election.

Kasabay nito ay kinondena  ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) – Iligan City-Lanao Chapter ang pagpaslang kay Solijon dahil ito na ang ika-201 journalist na napatay  mula noong 1986. Bumuo naman ng Task Force Nan­ding Solijon ang pulisya para sa agarang pagdakip sa mga suspect.

BRGY

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY POLICE

ILIGAN CITY REP

ILIGAN CITY-LANAO CHAPTER

LOVE RADIO

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHILIPPINES

PUBLIC AFFAIRS PROGRAM

SOLIJON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with