Ambush: 1 todas, ABC prexy kritikal

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi habang kritikal ang pangulo ng Association of Brgy.Captains (ABC) matapos na sila ay  pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo kamakalawa sa Pitogo, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din ang biktima na si Edgar Aguilar, nasa hustong gulang dahil sa mga tama ng bala ng M16 rifles at M14 rifles. Habang malubhang nasugatan si Noel Laurete Mojillo, nasa hustong gulang, may-asawa, pangulo ng ABC sa bayan ng Pitogo.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga ay mag­kaangkas sa motorsiklo ang dalawang biktima na galing sa Brgy. Liguac at pagdating sa Purok Caimito, Brgy. Poblacion ay pinaulanan ito ng bala ng mga suspek.

Sa kabila na may tama ay nagawang makatakbo si Mojillo at hindi na hinabol ng mga  suspek na mabilis na nagsitakas sa lugar.

 

Show comments