^

Police Metro

Dalagita tepok, 2 pa kritikal sa salpok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-inuman muna ang tatlong babae at nang malasing ay naisipan ng mga ito na mag-joy ride sakay ng motorsiklo, su­balit sumalpok sila sa nakaparadang trailer truck na ikinasawi ng isa sa kanila habang dalawa ang nasa kritikal na kalagayan na naganap kahapon ng mada­ling-araw sa Navotas City.

Nasawi ang  biktimang si Daisy Dawang, 17, ng Apahap Street, North Bay Boulevard South, dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Habang nasa kritikal na kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga kasamahan niyang sina Jersilyn Vergabo, 20, ng Lapu-Lapu St., NBBS, at Juliet Dela Cruz, 20, ng Sabalo St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay unang nag-inuman ang mga biktima sa bahay at nang malasing ay napagtripan na mag-“joy­ride” lulan ng isang mo­torsiklo.

Habang binabaybay ang kahabaan ng Road 10 ay nawalan ng control sa motorsiklo at diretsong sumalpok sa nakaparadang trailer truck sa lugar at tu­milapon ang mga ito.

vuukle comment

APAHAP STREET

CALOOCAN CITY

DAISY DAWANG

HABANG

JERSILYN VERGABO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JULIET DELA CRUZ

LAPU-LAPU ST.

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with