MM lumpo kay ‘Maring’ at Habagat
MANILA, Philippines -Nilumpo ng bagÂyong Maring na sinamahan pa ng hanging habagat ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na kung saan ay nanatiling lubog sa tubig-baha ang 60% porÂsyento ng Metro Manila.
Sa ulat ng MMDA, nasa 70% ng buong lungsod ng Maynila ang lubog sa baha tulad ng Rizal AveÂnue (Tomas Mapua): tire deep; Osmeña (Quirino-A. Linao): knee deep; Quirino L. Guinto: half tire deep;España-Antipolo: knee deep; Dela Fuente-Maceda: gutter deep; RMB-Pureza: above knee deep; Romualdez-Taft: not passable to light vehicles; Bonifacio Drive-Roxas Katigbak: not passable to light vehicles; Manila City Hall: waist deep; Quirino-P. Dilao: gutter deep; F. Manalo-Blumentritt: not passable to all vehicles; España-Lacson: gutter deep; Roxas Blvd.-Aristocrat Restaurant: gutter deep; Quirino Extension-UN: waist deep; at sa EsÂpaña-San Diego: waist deep.
Sa Quezon City; N. Domingo-Gilmore: not passable to light vehicles; Q. Avenue-Biak na Bato: knee deep; SM Centerpoint westbound: gutter deep; Araneta-Maria Clara: waist deep; Araneta-Calamba at Amoranto: not passable to light vehicles; at E. Rodriguez-Araneta: knee deep.
Sa kahabaan ng EDSA: Taft: thigh deep; Roxas Blvd: knee deep; Santolan Service Road northbound –half tire deep; Camp Aguinaldo Gate 3: tire deep; Shaw before Int. Northbound: gutter deep; Ortigas Loading Bay SB: gutter deep; Magallanes MRT northbound at southbound: chest deep.
Nabatid kay Noel Lansang, deputy chief ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng QC na halos 30 barangay ang nalubog sa baha.
Sa C5: Hypermart (TienÂdesitas) northbound at southbound: above knee deep; Canley Road southbound: not passable to light vehicles; Kalayaan Road southbound: not passable to light vehicles at McKinley Hills southbound: tire deep.
Sa Southern Metro Manila; Villamor patungong Magallanes: thigh deep; SM Sucat: not passable to all vehicles; South Superhighway-Magallanes: knee deep; Baclaran-Redemptorist: knee deep; Pascor Drive: knee deep; Osmeña-Buendia: waist deep; Roxas-Airport: knee deep; Pasong Tamo: thigh deep; MIA Domestic: waist; Nichols-Sales to Pasong Tamo: knee deep; Andrews-Domestic: chest deep; at Edsa-taft-thigh deep.
Isinailalim naman kahapon sa state of calaÂmity ang Muntinlupa City makaraang lumubog sa tubig-baha ang malaking bahagi nito.
Higit sa 100 pamilya ang nananatili sa iba’t ibang evacuation areas sa lungsod makaraang tamaan ng baha ang ilang mga barangay.
Sa Pasay City, nasa 342 pamilya ang nasa evacuation areas sa 12 barangay sa lugar.
Sa Taguig City, nasa 889 pamilya o 4,053 katao ang dinala rin sa evacuation areas dahil sa pagbaha sa limang barangay sa lungsod.
Sa Makati City, mismong sina Vice-President Jejomar Binay at Mayor Junjun Binay ang nanguna sa isinagawang “rescue operations†sa mga lugar na tinamaan ng matinding pagbabaha habang sakay ng “amphibious vehicleâ€.
Aabot naman sa mahigit sa 1,000 pamilya ang inilikas ng local na pamahalaan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) sa ibat’ ibang evacuation center.
- Latest