Kelot kinalasan ng nobya nagsaksak sa leeg
MANILA, Philippines - Tinangka ng isang waiÂter na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang leeg sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City maÂtapos hindi matanggap ang ginawang pagkalas ng nobya sa pamamagitan ng pagtawag sa cell phone.
Ang biktima na kasaÂluÂkuyan ligtas na at naÂnaÂnatiling na-confined sa Quirino Memorial MeÂdical Center (QMMC) ay kinilalang si Danilo Lee Jr. 26.
Batay sa ulat, ganap na alas-7:00 ng gabi nang gawin ng biktima ang pagsaksak sa sarili sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa No. 44 18th Avenue, Barangay San Roque, Murphy, Cubao.
Bago iyon ay nakikiÂpag-inuman muna si Lee sa kanyang mga kaibigan sa harapan ng kanyang bahay at nang malasing ay tumawag sa kanyang cell phone ang nobyang si Tintin.
Sa naging pag-uusap ng dalawa ay sinabihan umano ni Tintin si Lee na kailangan na niyang tapusin ang kanilang relasyon at nais na nitong makipag break sa kanya.
Hindi umano matangÂgap ni Lee ang desisyon ng nobya kaya’t kumuha ng patalim mula sa kusina saka tinarakan ang sariling leeg. Agad itong isinugod sa naturang ospital ng mga kainuman.
Nabatid mula sa paÂmilya ni Lee na ang bikÂtiÂma ay may suicidal tenÂÂdencies kapag ito ay naÂÂkaÂinom ng alak.
- Latest