^

Police Metro

Wanted na Israeli huli

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang isang Israeli national na sinasabing most wanted sa kanilang bayan kaugnay sa check clearing scam na umabot sa milyong dolyar at nagtago sa Pilipinas gamit ang pangalan ng kapatid.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) officer-in-charge Siegfred Mison Ang nadakip na dayuhan na si Niv Borsuk alyas “Tamir Borsuk”, 35.

Naaresto si Borsuk sa Makati City noong Agosto 8, ng mga operatiba ng BI fugitive search unit.

Inisyu ni Mison ang arrest warrant para kay Borsuk kasunod ng inilabas na summary deportation order na ipinalabas ng BI board of commissioners kaugnay sa pagi­ging “fugitive, overstaying and undocumented alien” nito.

Nasa talaan umano ng Interpol red notice si Borsuk na nagtatago sa bansa gamit ang passport ng kapatid na si Tamir.

Nakansela ang passport na gamit ni Borsuk nang ireport ni Tamir na nawawala ang kaniyang passport na gamit naman ng suspek.

Sinasabing sangkot si Borsuk sa mga kasong multiple counts of fraud na ginawa simula 2009 hanggang 2011.

 

AGOSTO

ARESTADO

BORSUK

BUREAU OF IMMIGRATION

MAKATI CITY

NIV BORSUK

SIEGFRED MISON ANG

TAMIR

TAMIR BORSUK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with