^

Police Metro

Chatting company sinalakay ng 3 CIDG

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang online chatting company sa Cabanatuan City ang humiling ng imbestigasyon kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima matapos na holda­pin ng tatlong kalalakihan na nagpakilalang mga mi­yembro ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon sa reklamo ng kum­panyang One Circle Business Process Outsour­cing Company, na noong nakalipas na Biyernes nang salakayin sila ng tatlong armadong lalaki na nagpakilalang operatiba ng PNP-CIDG-ACG at inakusahan ang mga online chatters na nagsa-cybersex kaya isa-isang silang dinampot at kinumpiska ang hindi kukulangin sa 100 units ng personal computer.

Ayon sa human resource manager na si Shane Ferrer na hindi dumaan sa kanyang tanggapan ang mga armadong lalaki, para ipagpaalam na dadamputin nila ang mga online chatter.

Hindi rin masampahan sa piskalya ng kaso ang 12 online chatting agents  na binitbit dahil walang makitang paglabag sa RA 8484, at walang maiharap na ebidensiya ang mga ope­ratiba ng CIDG.

Ayon naman sa isang alyas Marc, opisyal din ng One Cricle, kinakausap umano sila ng mga nag­pakilalang CIDG opera­tives na kukunin na lang nila ang mga agent maging ang 100 units ng personal computer at sila na umano
ang mag-o-operate ng online chatting.

Inamin ng isang Flo­rendo Holgado, Presi­dent and Chief Opera­ting Officer (COO) ng One Circle, mahihirapan na silang makapagbukas muli ng online chatting, dahil pinag-iinitan sila ng mga nagpa­kilalang CIDG.

ANTI-CYBERCRIME GROUP

AYON

CABANATUAN CITY

CHIEF OPERA

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ONE CIRCLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with