MANILA, Philippines - Isang kumpanya ng bus ang sinalakay ng may sampu hanggang 15 arÂmadong kalalakihan at dito ay sinunog ang nasa 11 unit ng bus kahapon ng madaling-araw sa Pagsanjan, Laguna.
Batay sa ulat ng pulisÂya, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang salaÂkayin ng mga kalalakihan ang compound ng HM Transport Inc. sa Pagsanjan, Laguna na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas at nakasuot ng military uniform at nagpanggap na mga pulis.
Walang nagawa ang mga caretaker matapos na tutukan ng baril ng mga rebelde ay agad binuhusan ng gasolina saka sinilaban ang 11 yunit ng HM Transport hanggang sa tuluyang magliyab.
Matapos ang panunuÂnog ay mabilis na nagsitakas ang mga armadong kalalakihan na sinamantala ang kadiliman ng paligid.
Sa kasalukuyan ay tatlo ang motibo na siniÂsilip nila sa kaso, una exÂtortion, alitan sa union ng nasabing bus company at business rivalry.