MANILA, Philippine s- Isang kapitan ng barangay at dalawa pa niyang kasama ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa naÂkikilalang riding-in-tandem sa Mabalacat, PamÂpanga kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Rodrigo Tongol, 50 barangay captain sa barrio Mesilipit, Bacolor, Pampanga; Pedro Canlas, 60 at Merlito Pineda, 50.
Sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay sakay ng government vehicle nang pagbabarilin ng mga suspek ganap na alas-7:00 ng gabi sa bayan ng Mabalacat, Pampanga.
Sinasabing minamaneho ni Tongol ang government vehicle at sakay niya sina Canlas at Pineda nang biglang sumulpot ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at paÂulanan ng bala ang mga biktima.
Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si Tongol habang sa katawan at mukha naman tinamaan si Canlas at Pineda na agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente.
Si Tongol ay nasa ikalawang termino na bilang kapitan ng barangay sa barrio Mesilipit at plano nitong muling kumandidato sa darating na Barangay election sa October.
Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng pulitika ang motibo ng krimen dahil walang gamit ng mga biktima na tinangay ang dalawang tumakas na salarin.
Nagsasagawa ngayon ng malalimang imbestigasyon ang Pampanga police upang matukoy at madakip ang mga taong nasa likod ng pagpatay sa mga biktima.