Uulan ng bulalakaw ngayong linggo
MANILA, Philippines - Asahan na ang pag-ulan ng mga bulalakaw hanggang sa huling araw ng Hulyo ng taong ito, simula ngayong araw.
Sinabi ni Vicente Malano, head ng astroniÂmical division ng PAGASA, mula Hulyo 28 hanggang 31 ay makikita ng mga early risers ang pag-ulan ng bulalakaw na may bilang na mula 5 hanggang 10 kada oras o aabutin ng 15 bulalakaw kada oras kung maganda ang kondisyon ng kalaÂngitan.
Bukod sa meteor shoÂwer ay mayroon ding maÂgaganap na stargazers sa kalangitan hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo.
“Stargazers will be haÂving a nice time watching the night sky with the famous Summer Triangle of the stars Vega, Deneb and Altair of the constellaÂtions Lyra, Aquila and CygÂnus, respectively, being well placed in the eastern horizon before midnight,†wika pa ni Malano.
- Latest