VP ng bangko, lady trader nasagip… kidnaper tiklo sa pay-off
MANILA, Philippines - Isang lalaki na executive vice president ng isang bangko at isang babaeng negosyanÂte ang matagumpay na nailigtas ng mga otoridad habang arestado ang isa sa mga kidnaper sa naganap na pay-off sa parking lot ng isang mall sa CabanaÂtuan City, Nueva Ecija.
Ang mga nasagip na biktima ay kinilalang sina Aurelio Villaflor, 62, ExeÂcuvite Vice President ng GM Bank, isang rural bank sa lalawigan at ang kasama nitong negosyanÂteng si Evangeline Urgente, 37-anyos.
Arestado naman ang isa sa mga kidnaper na si John Viterbo del Rosario habang nasa aktong tinatanggap ang P400,000 ransom sa isang pulis na nagpanggap na kamag-anak ng dalawang biktima.
Ayon kay PNP-CriÂminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Francisco Uyami Jr., dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ang payoff matapos na makipagkoordinasyon ang pamilya ng mga biktima sa mga operatiba ng pulisya sa napagkasunduang parÂking lot ng Mega Center Mall ng lungsod.
Agad namang sinunggaban ng nakaposteng mga operatiba ng Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) at Nueva Ecija ProÂvincial Police Office sa pamumuno ni Chief Inspector Mario Sagcal ang suspek na nagresulta sa matagumpay na pagkaÂkaligtas sa dalawang biktima.
Sa ulat, ang dalawang biktima ay dinukot ng 7 armadong kalalakihan sa Brgy. Dinarayat, Talavera, Nueva Ecija bandang alas-7:55 ng gabi.
Una nang humingi ang mga kidnappers ng P3.5 M ransom hanggang sa naibaba ito sa P400,000 kung saan itinakda ang payoff sa lugar.
- Latest