^

Police Metro

Mga pambatang alahas may lason

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng pagsusuri ang grupong EcoWaste Coalition sa nabili nilang 100 piraso na mga mumura­hing mga pambatang bracelets, hikaw, kuwintas, at mga singsing na nagkakahalaga ng P3 hanggang P25 mula sa mga tindahan sa mga mall sa Divisoria  noong Hulyo 19 at 20 ay may taglay itong lason.

Gamit ang portable x-ray fluorescence (XRF) spectrometer ay natuklasang 78 sa mga ito ay may sangkap na nakalalasong kemikal tulad ng lead, isang toxicant na nakakaapekto sa developing brain at central nervous system, at cadmium, na nagiging sanhi naman ng cancer.

Ang lead ay natagpuan sa 72 samples ng mga kiddie jewelries habang ang cadmium naman ay natagpuan sa 24 na samples.

Nabatid na ang isang painted guitar pendant na nakalagay sa isang kwintas na nagkakahalaga ng P25 ang nakapagtala ng pinamataas na antas ng lead na umabot sa 132,900 ppm at isang P13 na yellow earrings na may star design ang nakitaan naman ng sky-high 220,700 ppm na cadmium.

Ang lead, cadmium, gayundin ang arsenic at mercury ay kasama sa “ten chemicals of major public health concern,” batay na rin sa listahan ng World Health Organization.

CADMIUM

DIVISORIA

GAMIT

HULYO

ISANG

NABATID

NAGSAGAWA

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with