MANILA, Philippine s- Kahit na tutol ang Pangulong Benigno Aquino III ay itutuloy pa rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsusulong ng Charter Change o Chacha sa 16th Congress.
Paliwanag ni House Majority leader at Mandaluyong Rep. Naptali Gonzales II, ang legislative body ay co-policy maker ng bansa kaya hindi porke ayaw ng Pangulo sa Chacha ay hindi na nila ito itutuloy.
Ipinaliwanag ni Rep. Gonzales ang kahalagahan ng Legislative Economic Development Assistance Council (LEDAC) dahil dito napapag-usapan kung mayroong naiisip ang mga senador o congressman na kailangan din pakinggan ng executive.
Kung executive na lang umano ang pakikinggan ay hindi na ito matatawag na LEDAC kundi EDAC na lang dahil puro executive lang ang masusunod.
Sinabi ni Gonzales, bagamat nakikita nito ang importansya sa pag-amyenda ng konstitusyon ay marami pa rin ang hindi sang-ayon kapag napapag-usapan ang pag-amyenda sa political provision o ang pagpapalit ng porma ng gobyerno subalit dahil economic provision lang ang tatalakayin sa pag-amyenda ng konstitusyon kaya’t mahalagang maisulong na ito.
Giit pa ng mambabatas, titiyakin nila na separate ang boto sa senate at house at kanila namang ihaharap sa tao ang resulta nito sa pamamagitan ng isang plebesito.
Aniya, tuloy ang Chacha upang magkaroon ng transpaÂrency subalit dapat na magkaroon ng forum upang mapag-usapan ito at malaman ng tao ang nilalaman nito.