Ex- cafgu, binoga, dedo

MANILA, Philippines - Dedo ang isang dating miyembro ng CAFGU makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa Brgy. Anticala, Butuan City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakila­lang si Sito Ado, 33, residente sa Purok 4, Brgy. An­ticala sa lungsod.

Ayon sa mga awtoridad, nakarinig na lamang umano ang ilang residente sa lugar nang malalakas na putok ng baril ganap na alas-2:00 ng hapon sa bahay ng biktima.

Nang kanilang tingnan ay nakabulagta na ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang kata­wan.

Narekober ng pulisya sa kinaganapan ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 baril na siyang ginamit sa biktima.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

Show comments