MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagtungo ng apat na miyembro ng pamilya sa Sagada nang ang kanilang sinasakyan na van ay nahulog sa bangin na ikinaÂsawi ng ginang himala namang nakaligtas ang mister nito at dalawang anak kabilang ang isang sanggol na lalaki na naganap kamakalawa sa bahagi ng Alab Proper, Bontoc, Mountain Province.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang bikÂtiÂmang si Novy BogengÂgeng habang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawang anak nitong sina Ariz, 3-anyos, Alex, 1-anyos at mister na si Joseph, 40, kapwa walang tinamong sugat sa insidente.
Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling-araw ay bumabagtas ang Delica van (BDR 808) na minamaneho ng mister ng ginang na si Joseph nang mawalan umano ng kontrol sa manibela dahil sa madulas na daan hanggang sa mahulog ang behikulo sa may 43 metrong lalim na bangin sa lugar.