Killer ni Rep. Bersamin,1 pa tiklo sa checkpoint ‘
MANILA, Philippines -Bumagsak sa kamay ng batas ang dalawang lalaki kabilang ang isang sangkot sa pagpatay kay Abra Rep. Luis Bersamin noong 2006 nang maaresto ang mga ito sa isang police checkpoint sa Quezon City noong Lunes.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Lindon Alzate, 31, at Ronald Bolor, 33.
Si Alzate, tubong Abra ay ikatlo sa most wanÂted criminal sa kanilang probinsya at may tatlong arrest warrants sa kasong murder.
Batay sa ulat, na noong Lunes ay naispatan ang dalaÂwa na pagala-gala malapit sa bahay ng isang politiko na taga Abra sa Barangay Bagong SilaÂngan na umano ay balak nilang itumba.
Isang residente ang tumawag sa himpilan ng pulisÂya na agad nagresponde sa lugar at naaresto ang mga ito sakay ng motorsiklo habang patakas.
Narekober sa mga suspek ang isang bag na nagÂlalaman ng isang kalibre .22 pistola na puno ng bala at dalawang cell phones na may mga mensahe tungkol sa pulitikong taga-Abra na target nilang itumba.
Ikinumpisal ni Alzate ang pagkakasangkot niya sa pitong insidente ng pamamaril sa mga politiko sa Abra, kabilang si Bersamin mula 2006-2011.
Nabatid pa ng pulisya mula kay Alzate na bawat asasinasyon ay nagkakahaÂlaga ng P50,000, ang P10,Â000 ay mapupunta kay Bolor para sa gagaÂwing surÂveillance sa target.
- Latest