^

Police Metro

Bantay-salakay na sekyu huli sa CCTV

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi nakalusot sa closed circuit television (CCTV) ca­mera ang isang sekyu habang kitang-kitang kung paano pagnakawan ang binabantayang kumpanya kahapon sa Quezon City.

Ang suspek ay kinila­lang si Joel Presente, 37, may-asawa ng no. 3 Brgy. Parada, Sta. Maria, Bula­can matapos na ireklamo ng representative ng kumpanyang QC Styro Packaging Corporation na si Eduardo Duran, 50, machine shop supervisor.

Sa ulat, ang suspek ay anim na buwan nang nalilingkod bilang security guard ng nasabing kumpanya na matatagpuan sa no.1200 MCY Bldg., Edsa Brgy. Bahay Toro.

Nagbabantay ang sus­pek sa gusali at nang ma­kakuha ng tiyempo ay saka sinimulan ang pagnanakaw sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-3:30 ng madaling-araw na kung saan ay kitang kita sa CCTV ang ginagawang pag­nanakaw dahilan para siya ay arestuhin.

Tinangay ng sekyu ang limang set ng fruit juice cup molds (P330,000); isang set ng ice monster molds (P60,000); tatlong piraso ng bowl molds (P90,000); isang piraso ng EPS cup mold (P25,000); at isang piraso ng insert mold (P7,500).

Hindi na narekober ng mga otoridad ang mga nasabing items sa sus­pek.

BAHAY TORO

BRGY

BULA

EDSA BRGY

EDUARDO DURAN

JOEL PRESENTE

QUEZON CITY

SHY

STYRO PACKAGING CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with