^

Police Metro

Drug test ayaw alisin ng LTO

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bagama’t batas na ang RA 10586-Anti Drunk and Drugged Driving Law na pi­nirmahan ni Pangulong Aquino  kamakailan at nakasaad na hindi na sasailalim pa sa drug test ang mga driver na kukuha ng lisensiya kundi tanging ang mga masasangkot lamang sa aksidente ang sasailalim dito ay ayaw pa rin itong sundin ni Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres.

Ayon kay George San Mateo, Pangulo ng Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na “money making” ang drug testing kaya’t ayaw umanong sundin ni Torres ang batas at sa halip ay nagpalabas pa ito ng kautusan sa lahat ng sangay ng LTO sa buong bansa na nagsasabing ituloy ang pagsasailalim sa drug test sa mga kukuha ng lisensiya dahil wala pa daw silang rules and regulations para dito at inaayos pa ng kanyang abogado

Una rito, kinastigo ni Sen. Tito Sotto si Torres dahil sa hindi pagsunod sa nilagdaang batas ni Pangulong Aquino.

AYON

CHIEF VIRGINIA TORRES

DRIVING LAW

GEORGE SAN MATEO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OPERATORS NATIONWIDE

PANGULONG AQUINO

PINAGISANG SAMAHAN

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with