^

Police Metro

Pulis itinumba habang pauwi

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang isang pulis matapos na ito ay pagbabarilin ng isang lalaki na kanyang kalugar kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na nasawi dahil sa dalawang tama sa dibdib ay nakila­lang si PO1 Mark Jonnel Susano, 25,  nakatalaga sa National Capital Region Police Office at residente ng Bagumbong Dulo ng naturang lungsod.

Ang suspek na nakatakas ay kinilalang si Mark Anthony Ventura, 24,  ng Natividad Subdivision, Bagumbong ng naturang lungsod.

Habang inaresto naman ng mga pulis ang mga kapatid ng suspek na sina Susan, 47; at Bien­venido, 20 ng nasabing lugar nang pigilan ng mga ito ang mga pulis sa pag-aresto sa suspek.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa Maranaw St., Bagumbong nang salubungin at pagbabarilin ng suspek.

Nang puntahan ng mga pulis ang bahay  ng suspek ay hindi ito binuksan nina Susan at Bienvenido na naging dahilan upang makatakas ang suspek.

Patuloy na iniim­bestigahan ng pulisya ang insidente dahil ayaw makipagtulungan ng mga kapatid ng suspek na nakatakdang kasuhan ng obstruction of justice.

vuukle comment

BAGUMBONG

BAGUMBONG DULO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MARANAW ST.

MARK ANTHONY VENTURA

MARK JONNEL SUSANO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with