MANILA, Philippines - Muling ipinaalala ng Department of Education (DepEd) na nasa kamay na ng mga local government units (LGUs) ang pagsususpinde ng klase kung sakaling walang storm signal na inilabas ang PAGASA at malakas ang buhos ng ulan dahil ang mga ito ay ‘on the ground’ at higit na nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang nasaÂsakupan.
Subalit, ayon kay Education Secretary Armin Luistro, alinsunod sa rules, otomatikong suspendido ang klase sa kindergarten kapag mayroong Storm Signal No. 1; ang klase sa elementarya at high school ay suspendido kapag itinaas na ang Storm Signal No. 2 at kung may Storm Signal No. 3 naman ay
kaÂsama na rin sa walang pasok ang mga nasa kolehiyo, kabilang na ang graduate school at governÂment offices.
Alinsunod sa Executive Order No. 66 s.2012 na nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino, kung walang typhoon signal na ipinapalabas ang PAGASA, dapat na magkaroon ng localized cancellation o suspension ng klase at trabaho sa mga government offices na ipapatupad ng mga local chief executives, bilang chairmen ng mga Local Disaster Risk Reduction and
Management Council (LDRRMC).