63,000 nakalibre sa LRT

MANILA, Philippines -Mahigit sa 63,000 mga pasahero ang nakalibre ng sakay sa LRT 1 at 2 kahapon ng umaga bilang regalo ng LRT Authority (LRTA) sa kanilang mga pasahero kaugnay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Nasa 47,716 pasahero ang nakalibre ng sakay sa LRT Line 1 (Roosevelt-Baclaran) at 15,489 sa Line 2 (Santolan-Recto) mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.

Inaasahan naman na lolobo pang lalo ang bilang dahil sa ipatutupad pang dalawang oras na libreng sakay sa hapon mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Nilinaw naman ni Cabrera na sa kabila na libre ang sakay sa naturang mga oras, dumaan pa rin ang mga pasahero sa mahigpit na inspeksyon ng kanilang mga guwardiya na normal nilang ipinatutupad.

Show comments