Ginang pinatay, sinunog ng ka-date

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang bangkay ng isang babae na sunog na sunog ang mukha at katawan nang itapon ng isang lalaki na kanyang naging ka-date  ang bangkay nito sa madamong bahagi ng Brgy. Lalaan 1st, Silang, Cavite kamakalawa ng alas-4:00 ng hapon.

Ang biktima na kinilala ng kanyang pamilya na si Vilma Varias, 42-anyos, factory worker at residente ng Brgy. Balubad Marahan, Alfonso, Cavite.

Ang suspek na inaresto matapos na ituro ng isang waitress na huling kasama ng biktima ay nakila­lang si Romualdo Pigollo, 43-anyos, may-asawa, tricycle driver, at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon na kasama ng biktima ang suspek at simula noon ay hindi na ito nakauwi hanggang sa matagpuan ang sunog na bangkay nito.

Show comments