Puno ng niyog bawal ng putulin
MANILA, Philippines - Pinirmahan na ni Pangulong Benigno Aquino lll ang batas na nagbabawal na putulin ang mga punong niyog.
Sino mang lalabag sa batas ay makukulong ng 6 taon at multang P500,000, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10593 na nag-amyenda sa RA 8048 nitong Mayo 29, wika pa ni Usec. Valte.
Nakasaad sa bagong batas na dapat humingi muna ng permiso sa barangay at sa Philippine Coconut Authority ang sinumang puputol ng puno ng niyog.
Ang papayagan lamang putulin ay ang mga niyog na 60 taong gulang sa tall variety at 40 yrs old naman sa dwarf variety na hindi na produktibo o dinapuan ng sakit o kung nasalanta ng bagyo.
Ang mapapatunayang lalabag sa nasabing batas ay pagmumultahin ng hanggang P500,000 o kulong hanggang sa 6 na taon pero kung public official ang lalabag ay hanggang P1-milyon ang multa.
- Latest