20.8-M estudyante papasok na... ‘Ready’ na kami – DepEd
MANILA, Philippines - Ready na ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa muling pagbubukas ng klase sa bansa ngayong araw.
Sinabi ni DepEd Sec. Armin Luistro, all system go na ang opening ng School Year 2013-2014 nationwide.
Aniya, sa unang araw ng klase o day 1 ay ipapaÂmaÂlas ng mga guro sa kani-kanilang mga estudÂyante ang Lesson 1 at pagÂpapakilala sa isa’t-isa upang higit na magkakiÂlakilala.
Tinataya ng DepEd na aabot sa 20.8-milyong mag-aaral sa public school ang magbabalik eskuwela ngayon araw. Ang 1.78 ay Kindergarten, 13.3-milÂyon ay nasa elementary at 5.7-milyon sa high school.
Samantala, aminado naman si DepEd Undersecretary Tonisito Umali na kakulangan pa rin ng mga silid-aralan at mga guro ang sasalubong sa mahigit 20.8 milyong estudyante na papasok sa mga paaralan ngayong araw.
Batay sa rekord ng DepEd, may 19, 579 classrooms pa ang kulang sa ilang paaralan sa ngayon.
Ayon kay Umali, target nilang makapagpatayo pa ng mga bagong silid-aralan bago magsara ang School Year 2013-2014.
Aniya, noong School Year 2011-2012 ay 48,802 ang kakulangan sa classrooms, pero nabawasan na ito ngayon dahil nakapagpagawa na sila ng halos 30,000 nitong School Year 2012-2013.
Bukod naman sa mga silid-aralan, kulang din aniÂya ang mga guro kahit nakakuha ng 61,500 bagong teachers ang DepÂEd dahil sa dami ng mga estudyante sa bansa.
Nabatid na ilan sa mga bagong guro na kinuha ng DepEd ay pasuswelduhin ng mga local governments.
- Latest