Dalaga nagtanan, tatay nagpakamatay
MANILA, Philippines -Hindi umano natanggap ng isang ama ang pakikipagtanan ng anak na dalaga sa kanyang nobyo at sa sobrang depresÂyon ay nagbigti ito kamakalawa sa Zamboanga City. Ang nasawing biktima ay nakilalang si Mario de Guzman, 48-anyos, residente ng Zone 9, Brgy. Zambowood ng lungsod.
Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 SpoÂkesman Chief Inspector Ariel Huesca, bandang alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kamag-anak nitong si Janet Visitacion.
Nabatid na bago ang pagpapakamatay ng biktima ay naglasing muna ito nang madiskubre dakong alas-5:00 ng umaga ng nasabi ring araw ay iniwan na sila ng kaniyang anak na dalagang si Ivy Dimple de Guzman, 19-anyos na nakipagtanan sa nobyo.
Nabatid din na laging sinesermunan ng ama ang anak dahilan sa pinansyal na problema ng kanilang pamilya.
- Latest