Amo, mag-live-in na katiwala kinatay

MANILA, Philippines - Mistulang kinatay na parang baboy ang isang lolo at mag-live-in na katiwala nang sila ay pagsasaksakin ng dalawa ring katiwala ka­makalawa ng gabi sa  Brgy. Poblacion, Ibaan, Batangas.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Armando Caringal, 82, biyudo; may-ari ng bahay; maglive-in nitong katiwala na sina Vincent Salibio at Celine Ma­catangay, kapwa 20-anyos.

Nahuli ang isa sa mga suspek na si Neil Ashley Jama habang  nakatakas ang kasama nitong si Angelito Panganiban.

Ayon sa ulat, bago nang­yari ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng bahay ni Caringal ay naglasing si Jama at nakipagtalo ito kay Sali­bio dahil sa sinisiraan umano sila ni Panganiban sa kanilang amo na si Cari­ngal.

Kumuha ng patalim ang dalawang suspek ang maglive-in partner at pagkatapos na mapatay ay dinamay rin nila ang matanda dahil sa nasaksihan nito ang krimen.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang da­lawang kutsilyo na siyang ginamit ng mga suspek sa pagpatay  sa mga biktima.

Show comments