NIA director paiimbestigahan
MANILA, Philippines - Paiimbestigahan ng isang contractor si NatioÂnal Irrigation Authority (NIA) Region 11 Director Modesto Membreve dahil sa panghihingi umano ng komisyon para sa isang multi-milyong pisong proyekto sa patuÂbig pero hindi naman ibiÂnigay sa complainant ang kontrata.
Sa reklamong ipinarating ni William Chu, ng Leyte, sa NIA main office, sinabi nito na humingi ng advance na P1.5 milyon commission si Membreve noong Marso para sa P40 million irrigation rehabilitation sa Davao na kanyang nasasakupan.
Matapos makapagbigay si Chu ng P1.5 milÂyon ay humirit pa umano ito ng P2 milyon, subalit maÂtapos makapagbigay ng advance, ibinigay umano ni Membreve ang proyekto sa kaibigang babaeng contractor na taga Butuan City at hindi sa una.
Hiling lang ni Chu na ibalik ni Membreve ang P3.5 milyon na ini-advance nito sa kanya dahil kailaÂngan daw nito ang pera na pampagamot sa kanyang asawa na may karamdaman ngayon.
Wala pang reaksyon ang tanggapan ni NIA Administrator Antonio Nangel sa nasabing reklamo pero ayon sa mga staff niya hindi ito ang unang reklamo laban kay Membreve.
Sinasabing si Membreve ay dating director ng NIA sa Caraga Region suÂbalit ipinalipat ito ng isang mambabatas sa labas ng naturang rehiyon dahil sa mga kuwestiyonable umanong mga transaksiyon kaugnay
pa rin sa mga proyekto sa lugar.
- Latest