MANILA, Philippines - Kalahok o kasali parin ang 1st Kabagis at Senior Citizen partylist sa gaganaping midterm election sa bansa bukas.
Sinabi ni Miko Magsaysay ang 1st nominee ng 1st Kabagis partylist group na wala silang natatanggap na Comelec resolution na nagsasabi na sila ay disqualified sa eleksyon bukas.
“Personal po akong nagpunta sa tanggapan ng Comelec kasama ang mga nominee ng senior citizen matapos naming mabalitaan na kami raw ay disqualify pero wala pong maipakita ang mga opisyales nila na resolusyon ukol sa aming disqualification†pahayag ni Magsaysay.
Ayon naman kay Roger Wanasen ang National GloÂbal Chairman ng 1st Kabagis, matagal ng tapos ang official ballot ng Comelec at nagsisimula na ang absentee voting kaya imposible na sila ay matanggal sa talaan ng mga iboboto.
Ang 1st Kabagis ay No. 88 sa balota at No. 129 naman ang Senior Citizen ay nagsasabing mga kalaban lamang umano nila ang nagsasabing sila ay disqualify.
Nanawagan si Wanasen sa lahat ng mga opisyal at kasapi ng 1st Kabagis na tuloy ang kanilang laban at hindi dapat mawalan ng saysay ang kanilang mga pinag hirapan para sa grupo.
Samantala sa isang paÂnayam sinabi naman ni CoÂmelec Chairman Sixto Brillantes na pwedeng kumampanya at pwedeng iboto ang lahat ng partylist group na nasa balota sapagkat pwede naman silang umakyat sa supreme court kung may mga nakabinbing usapin sa komisyon.