^

Police Metro

Tanod binoga, tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 40-taong gulang na barangay tanod habang sugatan ang isang binatilyo makaraang pagbabarilin sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ilang oras pang sinubukang gamutin subalit bumigay din ang katawan ng biktimang si Ariel Que,  ng M. Adria­tico St., Malate, barangay tanod ng Brgy. 204,  Zone 77, District  5,  habang patuloy na inoobserbahan  sa Ospital ng Maynila ang 13-anyos na si Jude Anthony Tomnog, ng  #2915 Madre Ignacia St., Malate.

Pinaghahanap na ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Sorab Vallo, nasa 20 hanggang 25 ang edad, may taas na  5’5 hanggang 5’7 at nakatira rin sa  nabanggit na lugar.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi noong Sabado nang abangan ng suspek ang biktima sa paglabas ng bahay at nang mamataan ay sunod-sunod na pinaputukan. Nang makita ni Christopher, anak ng biktima, ang nagyari sa ama ay agad na dinala sa Ospital ng Maynila. Bandang alas-11:00 ng gabi nang ideklara ni Dr. Sheena Shane Feliciano ng OSMA na binawian na ng buhay  ang biktima.

Nabatid na sinita at pinagalitan ng biktima ang nobya ng suspek dahil palaging nakatambay sa kanilang lugar na inaabot ng hatinggabi.

vuukle comment

ARIEL QUE

DR. SHEENA SHANE FELICIANO

GLENZOR VALLEJO

JUDE ANTHONY TOMNOG

MADRE IGNACIA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OSPITAL

SORAB VALLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with