Iniwan ng misis at 7 anak nagbigti

MANILA, Philippines -Hindi umano nakaya ng isang mister ang sobrang lungkot na dinanas makaraang iwanan ng kanyang misis at 7 anak kaya’t tinapos nito ang buhay sa pagbibigti kamakalawa sa Taguig City.

Ang nasawi ay naki­lalang si Roger Rosales, karpintero, nasa hustong gulang, at naninirahan sa Blk.110, Lot 6, Sitio Imelda, Brgy. Upper Bicutan, ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang magkulong sa kanyang bahay si Rosales nang pakuan ang pinto at bintana. 

Kinutuban ang mga kapitbahay nito sa ingay na dulot ni Rosales sa loob ng bahay at biglang pagtahimik kaya agad na humingi ng saklolo sa mga tauhan ng barangay tanod para.

Nang puwersahang buksan ang bahay ng mga tanod ay bumulaga ang nakabigting bangkay ng biktima.

Show comments