^

Police Metro

Enrile hiniling ang suporta ng pamahalaan sa Sabah claim

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang magkaroon na ng pangmatagalan at tunay na kapayapaan sa Mindanao inihayag ni UNA senatorial candidate Jack Enrile na dapat ay sumuporta ang pamahalaan sa territorial aspirations ng Sultanato ng Sulu sa pagbawi ng Sabah.

Iginiit ni Enrile na mayroon namang matibay na legal at historical basis para buhayin ang isyu ng Sabah matapos ang madugong eng­kwentro sa pagitan ng Malaysian forces at mga tagasuporta ng Sultanato ng Sulu.

Ayon kay Enrile, dapat na magkaroon ng mas malinaw na posis­yon ang pamahalaan hinggil sa isyu para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon ng mga kapatid na  Muslim.

Ang dapat aniya ay natalakay na ang natu­rang isyu sa idinaos na ika-22nd Summit ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa Brunei noong unang bahagi ng nakaraang buwan at dinaluhan ng mga lider ng 10-member nations, ngunit hindi naman aniya natalakay ang isyu ng Sabah sa summit.

Sinabi ni Enrile na sa kasalukuyan ang Mindanao ay nakapagpo-produce ng 30 porsi­yento ng kabuuang total rice output at isa sa pangu­nahing producer ng tuna at sardinas at iba pang cash crops tulad ng niyog, saging at kape.

vuukle comment

ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASIAN NATIONS

AYON

BRUNEI

ENRILE

IGINIIT

JACK ENRILE

MINDANAO

SABAH

SULTANATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with