MANILA, Philippines - Sa loob mismo ng sinasakyang liÂmousine natusta ang isang Pinay na bagong kasal at apat nitong kasama matapos na magliyab ang kanilang sinasakyan habang patungo sa isang bridal shower party sa California (CA) upang ipagdiwang ang kanyang katatapos na kasal sa Estados Unidos noong Sabado ng gabi.
Base sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang nasawing Pinay na si Neriza Fojas, 31 ng Fresno, California.
Ang apat pang nasaÂwi na kababaihan ay nagÂkaka-edad naman ng 30 hanggang 40 na hindi binanggit ang kanilang nationality.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inatasan na ng DFA ang Philippine Consulate General sa San Francisco, na makipag-ugnayan sa US authorties para sa pagkakakilanlan ng mga biktima ng nasabing sunog.
Ayon kay Hernandez, nagsasagawa pa ng imbesÂtigasyon ang California Highway Patrol hinggil sa pagkakatupok ng nasabing limousine na pagmamay-ari ng LimoStop Inc. na nakikipagtulungan na sa US authorities.
Base sa report, nakaÂtakbo at nakaligtas sa naÂsabing insidente ang driver ng puting Lincoln town limo na nakilalang si Orville Brown, 46, at sumunod na nakalabas ang apat pang babae na kabilang sa mga sakay nito nang biglang masunog ang sasakyan dakong alas-10:00 ng gabi noong Sabado (oras sa Amerika) habang ang lima kabilang ang nasabing Pinay bride ay na-trap sa loob ng nasusunog na sasakyan.
Base sa inisyal na report, habang patungo ang mga biktima sa wedding o bridal shower sa Foster City nang biglang umusok at magliyab ang limousine na kanilang sinasakÂyan habang binabagtas ang San Mateo bridge sa Highway 92 na nasa katimugang bahagi ng San Francisco.
Ayon sa report ng The Chronicle, ang Pinay na bagong kasal ay plano ring umuwi sa Pilipinas para sa panibagong seremonya sa susunod na buwan.