^

Police Metro

Mister ng mayora, bodyguard patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng mga hindi pa kilalang suspek ang mister ng isang reelectionist mayor ng United Nationalist Alliance (UNA) at isang bodyguard sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa bayan ng Lemery, Iloilo.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina John  Apura, mister ni Lemery Mayor Ligaya Apura at isang alyas Espaldon na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang ni­la­­lapatan ng lunas sa pa­gamutan ang isa pa nilang kasama.

Batay sa ulat, bandang alas-8:30 nang pagbabarilin ang mga biktima ng anim na mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Brgy. Anabo habang nangangampanya.

Ang mayoralty post sa bayan ng Lemery ay pinaglalabanan nina Ligaya  Apura; Lowel Tuando Arban ng ruling Liberal Party at independent candidate Vicente Inion.

Arestado naman sa follow-up operation ang isa sa mga suspek na ki­nilalang sa Mario Cobarrubias ng Dumarao, Capiz na wanted sa kasong murder.

Sinabi ng opisyal na inamin sa tactical inter­rogation ng suspek na may nag-utos sa kaniya dahilan sa alitan sa lupa  pero lahat ng anggulo ay kanilang sinisilip kabilang ang pulitika.

vuukle comment

APURA

ARESTADO

LEMERY

LEMERY MAYOR LIGAYA APURA

LIBERAL PARTY

LOWEL TUANDO ARBAN

MARIO COBARRUBIAS

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

VICENTE INION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with