MANILA, Philippines -Binalaan ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa mga fly-by-night cargo forwarders.
Ito ay kasunod ng mga ulat na sa halip na makarating sa destinasyon ay napupunta na lamang sa mga ukay-ukay o seÂcond hand stores ang ilang balikbayan boxes na ipinapadala ng mga OFWs para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Pinayuhan din ni Enrile ang mga OFWs na tumalima sa direktiba ng Department of Trade and Industry (DTI) na makiÂpag-transaksiyon lamang sa mga cargo forwarders na accredited ng Philippine Shippers’ Bureau (PSB) upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga ipinapadalang package.
“Expensive jewelries and foreign currency placed in chocolate boxes, Christmas decorations, even health insurance documents and personal letters to family members wind up in stalls in tiangges and other shops. These incidents are all too common already,†pahayag pa ni Enrile.
Kaugnay nito, isinusulong ni Enrile ang pagkakaroon ng mas mahigpit na polisiya laban sa mga bogus cargo forwarding companies.
Sinabi ng senatorial candidate na ilang customs insiders ang nagsabi na ang hindi pagbabayad ng fees ng mga cargo forwarders ang kalimitang dahilan kung bakit maraming balikbayan boxes ang naiiwan sa mga warehouse ng Bureau of Customs.