MANILA, Philippines -Isang lalaki na ika-9 sa talaan na most wanÂted sa Metro Manila ang napatay matapos itong lumaban nang isisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya na naganap kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Ang suspek na namatay sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Michael Ignacio “alyas Bulagâ€, ng Plapla St., Dagat-Dagatan ng naturang lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang salakayin ng mga otoridad ang bahay upang isilbi ang warrant of arrest sa mga kasong murder, robbery hold-up at droga.
Sa pagpasok ng mga pulis ay agad na sila ay pinagbabaril ng suspek na kung saan ay tinamaan ang isang pulis sa dibdib na hindi tumagos dahil sa suot nitong bullet proof vest.
Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek at narekober ang isang kalibre .45, dalawang .38 at isang apple type grenade.
Inaresto rin ang misis nitong si Maria Magdalen, 19 matapos makuhanan sa dalang pouch ang 8 sachet ng shabu.